^

PSN Palaro

African boxer handa na vs Donaire

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat sana ay lalaba­nan ni WBA/IBO featherweight champion Simpiwe (V12) Vetyeka ang sinuman kina Akifumi Shimoda ng Japan, Nicholas Walters ng Jamaica at Chris John ng Indonesia, ngunit hindi ito naplantsa.

Sa halip ay itinapat ni Top Rank chairman Bob Arum para sa isang title de­fense kay Vetyeka si Nonito  (The Fil­ipino Flash) Donaire sa Cotai Arena sa Venetian Resort Macau sa Mayo 31.

Pinag-isa ng 33-anyos na si Vetyeka ang IBO at WBA 126-pound titles matapos pabagsakin si John sa sixth round sa Perth noong Nobyembre.

Tinapos ni Vetyeka ang pangarap ni John na mapan­tayan ang 49-0 record ni Rocky Marciano.

Iyon ang ika-19 title de­fense ni John at na­ging kauna-unahan niyang talo.

Imbes na hingin ang rematch clause sa kanilang fight contract ay nagretiro si John bitbit ang 48-1-3 record.

Sa pagkawala ni John, haharapin sana ni Vetyeka si Walters na hawak ang WBA “regular” featherweight crown.

 Ngunit inisip ni Arum na mas makakabuting huwag paglabanin sina Vetyeka at Walters kaya lumutang ang pangalan ni Shimoda.

Subalit natalo naman si Shimoda, ang dating WBA superbantamweight champion, kay Marvin Sonsona noong Sabado. Kaya nagdesisyon si Arum na ilaban si Vetyeka kay Donaire.

Tinanggap naman ng manager ni Vetyeka na si Andile Sidinile ang pag­harap kay Donaire na nanalo ng mga world titles sa flyweight, bantamweight at superbantamweight.

Hinawakan ni Donaire ang interim WBA superflyweight championship ngunit hindi siya naitaas sa title status.

Sinabi ni Sidinile na bi­na­yaran lamang si Vetyeka ng $20,000 para laba­nan si John at binanggit ang isang tax-free paycheck na $100,000 para sagupain si Donaire.

vuukle comment

AKIFUMI SHIMODA

ANDILE SIDINILE

BOB ARUM

CHRIS JOHN

COTAI ARENA

DONAIRE

JOHN

SHY

VETYEKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with