Lalaban sa Malaysia at Azerbaijan sa friendly game, 28-man lineup ng Azkals pinangalanan na
MANILA, Philippines - Pinangalanan na kahapon ang 28 manlalaro na siyang bubuo sa Azkals na lalabanan ang Malaysia at Azerbaijan sa International Friendly Games sa Marso 1 at 8.
Sa Selayang Municipal Council Stadium gagawin ang laro laban sa Malaysia na siyang unang kompeÂtisyon ng Azkals sa pamumuno ng bagong coach na si German-American coach Thomas Dooley.
Ang aksyon sa Azerbaijan ay gagawin sa Dubai, UAE at ito ang kauna-unaÂhang pagkakataon mula 1997 na makakalaro ng Pilipinas ang isang European football team.
Ang Estonia ay bumiÂsita sa Pilipinas noong 19Â97 at natalo ang Nationals sa 1-0 iskor.
Tig-16 players ang daÂdalhin sa dalawang friendlies at sina Marwin Angeles, Nate Burkley, Simon Greatwich, Andrew Liauw, Nick O’Donnell at Ed Sacapano ang mga mangunguna sa Malaysia.
Sina Neil Etheridge, Jerry Lucena, Paul Mulders, Roland Muller, Javier Patino at Stephan Schrock ang magdadala sa kopoÂnan laban sa Azerbaijan.
Ang iba pang ilalaban sa Malaysia ay sina Phil at James Younghusband, Martin Steuble, Mark Hartmann, OJ Porteria, Patrick Reichelt, Anton Del Rosario, Ruben Doctora, Rob Gier, Chris Greatwich, Juani Guirado, Amani Aguinaldo, Misagh Bahadoran, Jeff Christiaens, Kenshiro Daniels at Jason de Jong.
Ang magkapatid na Younghusband, kasama sina SteuÂble, Reichelt, Maulders, Gier, Guirado, Hartmann, Chris Greatwich, BaÂhadoran, Aguinaldo, Christiaens, De Jong, Del Rosario at Doctora ay lalaro rin sa Azerbaijan.
Hanap ni Dooley na makita kung paano kikilos ang Azkals sa kanyang istilo ng paglalaro at bahagi ito ng preparasyon ng koponan sa pagsali sa 2014 AFC Challenge Cup sa Maldives sa Mayo. (AT)
- Latest