Nets pinigil ang Lakers

Sinupalpal ni Jason Collins ng Brooklyn si Pau Ga­sol ng Lakers

LOS ANGELES--Nakita si Jason Collins sa kanyang unang laro para sa Brooklyn Nets at na­ging unang gay active player sa apat na pangunahing US professional sports leagues.

Nagtala naman si guard Deron Williams ng season-high 30 points at 7 assists para akayin ang Nets sa 108-102 panalo laban sa Los Angeles La­kers.

Pumir­ma si Col­lins sa isang 10-day contract halos 10 buwan matapos ang kanyang paglaladlad noong Abril 29 sa Sports Illustrated.

Naglaro siya sa loob ng 10 minuto kung saan siya nabigong makaiskor, ngunit humablot ng 2 rebounds at 5 fouls.

Kumampanya ang 12-year veteran ng anim na NBA seasons sa Nets at natulungan ang koponang makapasok sa NBA Finals noong 2002 at 2003.

Nagtala naman si Paul Pierce ng 25 points at 7 rebounds para tulungan ang Nets na mawakasan ang isang 11-game losing skid sa Lakers.

Humakot si Pau Gasol ng 22 points at 11 rebounds para sa Lakers, nalasap ang kanilang ika-24 sa huli nilang 30 laro nang wala sina Kobe Bryant, Steve Nash at Xavier Henry na may mga injury.

Naglaro naman ang Nets na wala si Kevin Garnett.

Sa Phoenix, nagsalpak si Patrick Beverley ng isang go-ahead 3-pointer sa hu­ling 34.3 segundo para itakas ang Houston Rockets laban sa Suns, 115-112.

Kumolekta si Dwight Howard ng 25, habang may 23 si James Harden at 20 si Beverley para sa Rockets, iniwanan ng Suns ng 10 points papasok sa fourth quarter.

Tumipa naman si Go­ran Dragic ng career-high 35 markers para sa Suns, ngunit naimintis ang isang game-tying 3-pointer sa final buzzer.

Nag-ambag si Gerald Green ng 23 points, ang 18 dito ay kanyang ginawa sa third quarter, kasunod ang 21 ni Markieff Morris sa panig ng Phoenix.

Sa Portland, Oregon, kumamada si Damian Lillard ng 32 points at tinalo ng Trail Blazers ang Minnesota Timberwolves, 108-97.

Naglista si Thomas  Ro­­binson ng 14 points at career-high 18 rebounds para sa Portland na kinuha ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang isang three-game slump.

Gumawa naman si Ke­vin Love ng 31 points para sa Minnesota, napigil ang ikinasang three-game winning run.

Naglaro ang Blazers nang wala si All-Star forward LaMarcus Aldridge na may groin injury.

 

Show comments