YRM golf fund-raising event itinakda sa Marso 27

MANILA, Philippines - Iniimbitahan ng Yellow Ribbon Movement (YRM) at ng Wack-Wack Golf & Country Club ang lahat ng manlalaro ng golf na maglaro upang makatulong sa darating na Marso 27 ngayong taon.

“This is an open tournament, we’re inviting all golfers in the country,” ani Popoy Juico, pangulo ng Wack-Wack Golf & Country Club.

Ang ikala­wang edisyon ng YRM Golf tournament ay lalaruin sa West Course ng nasabing country club.

“Ngayong taon, plano naming aktibong magsa­gawa ng mga proyekto na magbubukas ng oportunidad upang magkaroong muli ng kabuhayan ang mga kababayan na nawalan ng trabaho o naapektuhan ang kita dahil sa mga pangyayari,” ani YRM chairman Raqui Garcia.

Kasama sa gagawin ng YRM ay ang “Dagdag Karunungan, Dagdag Kabuhayan” na naglalayong mabigyan ng pagsasanay o skills training ang mga hindi nakapagtapos o hindi matustusan ang pormal na edukasyon upang magkaroon ng disente at maayos na pamumuhay.

Noong Nobyembre 2012, ang unang YRM Golf tournament ay nakapa­ngalap ng pondo ang pa­laro upang magbigay ng relief sa mga biktima ng mga sunog, bagyo, baha, at lindol; magpakain ng mga palaboy sa pamamagitan ng proyektong Midnight Manna; magsagawa ng tutoring services sa mga mag-aaral sa elementar­ya sa mga mahihirap na komunidad; magbigay ng dalawang silid-aralan sa Benigno Aquino, Jr. Elementary School sa Quezon City; at magbigay ng mga bangka sa mga mangingis­dang na­apektuhan ng bagyong Yolanda.

 

Show comments