^

PSN Palaro

Closing ceremony sa Sochi Olympics live sa TV5 bukas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang nakakamanghang opening ceremony ng Sochi 2014 Winter Olympic Games na nagtampok sa kasaysayan ng Russia at isang fireworks display na gumulat sa mga manonood, inaasahang magiging kapana-panabik din ang closing ceremony ng nasaning event.

Isasaere ng live ng TV5 bukas ng alas-12 ng tanghali, ang event ay gagawin sa makasaysayang Fisht Olympic Stadium sa Russia.

Ang closing ceremony ay inaasahang magiging selebrasyon ng mga atleta na lumahok sa unang Winter Olympic Games sa Russia.

Bilang host country, lumaban ang Russia para sa overall medal count.

Ang Pilipinas ay kinatawan naman ng 17-anyos na si Filipino figure Michael Christian Martinez.

Ang kanyang debut stint sa figure skating competition ay umani ng mga pa­puri.

Natunghayan din ng mga Filipino viewers ang kampanya ng mga Filipino-foreigners kagaya nina Anne Line Gjersem ng Norway, Gilmore Junio ng Canada at JR Celski ng United States.

Ibibigay naman ng Korea kung ano ang kanilang gagawin para sa susunod na Winter Olympic Games na idaraos sa Pyoeng­chang, South Korea sa 2018. 

 

ANG PILIPINAS

ANNE LINE GJERSEM

BILANG

FISHT OLYMPIC STADIUM

GILMORE JUNIO

MICHAEL CHRISTIAN MARTINEZ

SOUTH KOREA

UNITED STATES

WINTER OLYMPIC GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with