Rhodes gagayahin ang estilo ni Bradley sa pakikipag-spar kay Pacquiao
MANILA, Philippines - Handang bigyan ng matitinding sparring ni Lydell (Haskell) Rhodes si Manny Pacquiao na naghahanda para sa rematch nila ni WBO welterweight champion Timothy Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Dumating si Rhodes ng Manila noong Linggo at tumulak kinabukasan patungong General Santos City na kung saan si Pacquiao ay nagsasagawa ng paunang pagsasanay.
Tiniyak ng 26-anyos na si Rhodes na hindi pa natatalo sa 19 na laban na kaya niyang gayahin ang mga galaw ni Bradley upang maging epektibong sparmate ng Pambansang kamao.
Hindi rin siya mag-aÂalanganin na magpakawala ng malalakas na suntok para makatulong sa plano ni Pacman na mabawi ang nawalang titulo.
“I’ll be glad to do what I can do as a sparring partÂner. I’ve got the lateral movement and footwork to mimic Bradley. I’ll do what Bradley is likely to do duÂring the fight,†pahayag ni Rhodes.
Ito ang unang pagkakaÂtaon na makakasama siya sa paghahanda ni Pacquiao at nasasabik siya sa oportunidad lalo pa’t hiÂnahangaan niya ang natatanging 8-division world champion bilang isang tao.
“As a person, I think Manny’s a great man who does a lot for his country. As an athlete, he’s one of the best out there. He punches hard, he’s so quick, he’s got excellent footwork. I hope to learn a lot about boxing with him,†dagdag pa ng tubong Spencer, Oklahoma na si Rhodes.
- Latest