Air Force-1 team wagi sa 1st leg ng Petron beach

STA. ANA, Cagayan , Philippines   -- Hindi na sinayang nina Iari Yongco at Judy Ann Ca­ballejo ng Philippine Air Force 1 ang pagkakataon.

Tinalo nina Yongco at Ca­ballejo sina Ana Abanto at Gena Andaya ng PAF, 21-15, 21-15, para angkinin ang first leg ng 2014 Petron Ladies’ Beach Volleyball Tour­nament dito sa Anguib Beach.

Umiskor ang 5-foot-11 na si Yongco ng dalawang mahalagang puntos sa second set para sa ka­ni­lang 8-6 bentahe.

Ilang smash nina Ca­bal­­­lejo at Yongco ang nag­layo sa kanila sa 11-7.

Ang atake ni Yongco ang tuluyan nang naglayo sa PAF-1 team sa PAF, 17-10, patungo sa kanilang se­cond-set win.

“Diskarte iyong drop ball. Kasi, kapag malapit sa net, mahirap ibalik sa kabila ang bola. Kaya nag-drop shots ako para sure ball,” sa­bi ni Yongco.

Umabante ang Air Force-1 pair ni coach Cla­r­en­ce Esteban sa semis ma­­tapos ang isang four-game sweep sa elimination round sa spikefest na su­­portado ng Cagayan Eco­­nomic Zone Authority, ang provincial government ng Cagayan at ng Mikasa balls.

 

Show comments