^

PSN Palaro

Pinoy Pride

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Maraming pinahanga si Michael Christian Martinez sa kanyang performance sa Sochi Winter Olympics.

Isa na tayo rito.

Sa totoo lang, nakakatindig balahibo ang ginawa ng ating pambato sa figure skating at pati na ang mga experts sa sport na ito ay kanyang pinahanga.

Unang-una, marami ang nagtaka kung paano nagawa ng Pilipinas, isang bansa na ni sa panaginip ay hindi naman nakakaranas ng snow, ay nakapagsa­nay ng isang atleta tulad ni Michael.

Hindi siguro nila alam na sa mga SM Malls katulad ng Mall of Asia, Southmall at Mega Mall, ay may mga ice rinks tayo kung saan pwede ka mag-skating sa yelo.

Parami nang parami ang nagkakahilig dito at isa ngang magandang halimbawa si Michael.

Nagpursigi ng husto ang bata na dating hikain. Sa udyok ng kanyang mga magulang at sa tulong na rin ng mga iba, umabot si Michael sa Olympics.

Siya ang kauna-unahang Pinoy na nakalahok sa Winter Olympics. At siya rin ang nag-iisang atleta mula sa Southeast Asia na umabot sa Sochi.

Nung makalawang gabi, nag-compete siya sa figure skating short program at maganda ang kanyang ipinakita. Ni minsan hindi siya nalaglag. Dramatic ang kanyang performance.

Umabot siya sa finals kung saan 24 skaters lang ang nakasali. Pero rito ay nakaharap na niya ang mga siga sa larangan ng figure skating.

Sumablay ng kaunti si Michael sa finals at tumapos sa 19th place.

Malaking tagumpay na rin ito para sa kanya at sa Pilipinas na ang isang baguhang katulad niya ay nakapagpakita ng kanyang taglay na galing.

Isipin mo na lang, sa 30 kalahok ay pang 19th siya. Marami siyang tinalo na skaters mula sa mga bansang may snow. Pinasikat niya ang ating bansa sa Sochi sa Russia.

Napanganga ang iba sa kanyang kagalingan.

Gaya ng sabi ko, isa na tayo rito.

vuukle comment

KANYANG

MALL OF ASIA

MEGA MALL

MICHAEL CHRISTIAN MARTINEZ

PILIPINAS

SOCHI

SOCHI WINTER OLYMPICS

SOUTHEAST ASIA

WINTER OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with