^

PSN Palaro

Kahit manalo kay Bradley Pacquiao ‘di lalabanan ni Marquez

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahalaga kay Juan Manuel Marquez ang mapanalunan ang ikalimang titulo sa larangan ng bo­xing. Pero mas mahalaga sa kanya ang maipreserba ang kanyang magandang panalo na naitala laban sa Pambansang kamao Manny Pacquiao.

Sa panayam kay Marquez na lumabas sa Boxingscene, sinabi nito na malamang na bitiwan na niya ang pangarap na manalo ng limang titulo kung si Pacquiao ang mananalo kay WBO welterweight champion Timothy Bradley.

“A fifth world title excites me, but a fight with Pacquiao does not. The important thing is to stay with that feeling of December  8, 2012, not just for me but for all Mexican,” wika ni Marquez

Sa petsang ito ginawa ang ikaapat na tagisan nina Marquez at Pacquiao at naiukit ng una ang pinakama­tinding panalo sa kanilang tagisan nang patulugin sa isang suntok ang huli sa ikaanim na round.

Nangangamba si Marquez na mabiktima uli ng masamang hurado at ma­talo sa ikalimang pag­tutuos.

Ipinangangalandakan niyang nadaya siya sa ika­la­wa at ikatlong pagtutuos kaya natalo.

Sina Pacquiao at Bradley ay magtutuos uli sa Abril 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas at  hanap ng Kongresista ng Sarangani Province na makabawi sa kontrobersyal na split decision pagkatalo noong Hunyo 2012.

Nasabi ni Bob Arum ng Top Rank na kakalabanin ni Marquez ang mananalo sa napipintong laban dahil pangarap ni Marquez ang mahawakan ang ikatlong titulo.

vuukle comment

BOB ARUM

GRAND ARENA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MARQUEZ

PACQUIAO

SARANGANI PROVINCE

SINA PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
12 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with