Clippers pinigil ang Trail Blazers

LOS ANGELES --Kumayod si Blake Griffin ng 36 points, habang tumipa si guard Chris Paul ng 20 points at 12 assists at tinalo ng Clippers ang Portland Trail Blazers, 122-117, para sa huling laro ng dalawang koponan bago ang All-Star break.

Ang ginawang 20 points ng Clippers, nagtala ng franchise record para sa pinakamalaki nilang panalo matapos ilista ang 45-point win sa Philadelphia, ang 16 turnovers ng Portland sa laro na may 40 lead changes.

Tumipa si Paul ng 10 sa kanyang 15 shots sa kanyang ikalawang laro matapos umupo sa 18 laro dahil sa separated right shoulder.

Nag-ambag naman si Jamal Crawford ng 25 points para sa Los Angeles.

Naipanalo ng Clippers ang 14 sa kanilang huling 19 laban sapul noong Enero 4.

Umiskor si LaMarcus Aldridge ng 25 points kasunod ang 21 ni Damian Lillard para sa Blazers, may 5-8 marka matapos kumuha ng isang five-game winning streak noong nakaraang buwan.

Sa Orlando, Florida, binigo ng Memphis Grizzlies ang Orlando Magic, 86-81, tampok ang pagkolekta ni Zach Randolph ng 20 points.

Nagdagdag si Courtney Lee ng 17 para sa ika-29th win ng Grizzlies ngayong season.

Laging nakakapasok ang Grizzlies sa playoffs sa bawat season sa tuwing nananalo sila ng 29 o higit pa bago ang All-Star break.

Lumamang ang Grizz­lies ng 13 points sa se­cond half bago pigilan ang pag­lapit ng Magic.

Sa Michigan, nagsalpak si Kyrie Irving ng isang 3-pointer para ihatid ang Cleveland Cavaliers sa 93-89 panalo laban sa Detroit Pistons.

Kumonekta si Irving ng isang tres sa huling  7.2 segundo para banderahan ang ikaapat na sunod na panalo ng Cavaliers.

Sa iba pang resulta, namayani ang Dallas Ma­vericks sa Indiana Pacers, 81-73; hiniya ng Toronto Raptors ang Atlanta Hawks, 104-83; giniba ng San Antonio Spurs ang Boston Cel­tics; 104-92 at naungusan ng Miami Heat ang Golden State Warriors; 111-110.

Show comments