Mariners vs Saints sa NCRAA Finals

 Laro sa Lunes

(Olivarez College

 gymnasium)

10 a.m. RTU vs La Salle-Dasma (Women)

11:30 a.m. PMMS

 vs St. Clare (Men)

 

MANILA, Philippines - Inungusan ng Philippine Merchant Marine School ang defending champion Olivarez College sa overtime, 88-83, sa kanilang semifinal rubber match sa 21st National Capital Region Athletic Association (NCRAA) men’s basketball tournament kahapon sa San Andres gym sa Manila.

Umiskor sina Dan Reverente at Sonny Trinidad ng mga krusyal na basket sa dulo ng laro para igiya ang Mariners sa best-of-three finals.

Lalabanan ng Mariners sa finals ang unang finalist na St. Clare Saints.

Umiskor si Reverente ng 18 points, tampok dito ang isang drive sa huling 1:11 minuto na nagbigay sa Mariners ng 84-80 abante.

Nagkaroon ng tsansa ang Sea Lions na makadikit, ngunit nagmintis sila sa three-point area.

Sa pagtalbog ng mga tres nina Mark Guillen at Eldridge Corpuz para sa Olivarez ay tumipa naman si Trinidad ng isang layup sa natitirang 35.7 segundo para sa 86-80 bentahe ng PMMS.

Sasagupain ng Mariners ang Saints sa Game One ng kanilang best-of-three finals series sa Lunes sa Olivarez College gymnasium sa Sucat, Parañaque.

Show comments