Finals ikakasa na ng NLEX, Blackwater

Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

2 p.m. Blackwater Sports vs Big Chill

4 p.m. Hog’s Breath Cafe vs NLEX

 

MANILA, Philippines - Wakasan na ang laro sa semifinals ang balak gawin ng NLEX at Blackwater Sports sa Game Two ng PBA D-League As­pirants Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Paborito ang dala­wang koponang nabanggit matapos ang magarang panalo sa Game One laban sa Hog’s Breath Cafe at Big Chill.

Lumabas ang ba­ngis ng Road Warriors sa pamumuno ng nagbabalik mula sa injury na si Garvo Lanete tungo sa madaling 99-74 panalo sa Razorbacks habang ang ma­lakas na paglalaro sa se­cond period ang sinandalan ng Elite tungo sa 84-72 pananaig sa number two seed Superchargers.

“I expect them to be dangerous for Game Two. I hope that we can carry the momentum of our victory for this game,” wika ni NLEX coach Boyet Fernandez na target ang ikaanim na sunod na pagpasok sa Finals sa liga.

Hindi rin nagkukumpiyansa si Elite coach Leo Isaac ngunit tiwala sa kaka­yahan ng mga alipores na makuha ang panalo. (AT)

Show comments