MANILA, Philippines - Nakilala bilang “Aerial Voyager†sa kanyang kaÂpanahunan, si PBA great Vergel Meneses ay pormal na nag-retiro matapos ang 16 seaÂsons.
“Sa totoo lang, isa itong pinaka-memorabÂleng sandali sa aking basketball career,†pahayag ng pambato ng Bambang, Bulacan at Sto. Rosario, Malolos kaugnay sa kanyang retirement ceremony.
“Ang makita ang lahat ng mga taong nagÂmamahal sa akin, kasama na ang aking mga maÂtagal na kaibigan at supporters na nagtitipon para sa aking retirement ceremony ay isang hindi malilimutang sandali,†dagdag pa ni Meneses.
Tunay na isang magandang pagtatapos sa isa sa mga pinakapana-panabik at nakabibilib na basketball career sa itinuturing na isa sa mga PBA’s ‘25 GreaÂtest Players.’
“Madami akong dapat pasalamatan, bukod pa sa aking mga fans na sumubaybay sa akin mula college hanggang PBAâ€, wika ni Meneses na head caoch ngaÂyon ng Jose Rizal University sa NCAA at assistant coach ng Air21 sa PBA.
Personal na pinasalamatan ni Meneses ang Lina faÂmily at si Lito Alvarez ng Air21, Joey Concepcion at Elmer Yanga ng RFM Corp., at Danding at Henry Cojuangco ng San Miguel group para sa kanilang tiwala sa kanyang paglalaro sa PBA.