Alora babanderahan ang Phl taekwondo team para sa 2014 Asian Games sa Incheon, Korea

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni 20­10 Asian Games bronze me­dalist Kristie Elaine Alora ang mga taekwondo jins na ilalaban sa Incheon Asian Games sa Setyembre.

Si Alora ay isinama sa tatlong pangalan na iti­nutu­lak ng Philippine Taekwondo Association (PTA) pa­ra ma­pabilang sa Asian Games pool.

Makakasama pa ni Alo­ra, gold medalist sa wo­men’s over 73-kilogram division sa Myanmar SEA Games, sina Jade Zafra at Kris­topher Robert Uy.

Si Zafra at Uy ay mga gold medal winners din sa 2013 SEA Games at ang una ay nagdomina sa women’s -57 kg., habang sa men’s over 87 kg. na­nalo ang huli.

Ang Task Force Asian Games na binubuo nina POC chairman Tom Car­rasco Jr., Philta secretary-ge­neral Romy Magat, SBP treasurer Dr. Ernesto Adalem at PSC chairman at Chief of Mission Ricardo Garcia ay nagsasagawa ngayon ng pagpupulong sa mga kasaling NSAs para ma­determina kung sino ang puwede nang isama sa pool.

Kapag nabuo na ang pag­dinig, ang mga atletang pasado sa inilatag na criteria ay magsisimula na ng pag­sasanay.

“These three jins are currently the best in the na­tional pool and their gold me­dals in Myanmar can attest to that,” wika ni PTA na­tional training director No­el Veneracion.

Binigyan ang taekwondo ng TF ng tig-anim na man­lalaro sa kalalakihan at ka­babaihan para masama sa delegasyon.

Ang contact sport na nagsimula sa Korea ay magkakaroon ng tig-wa­long events sa magkabilang dibisyon pero hindi pa rin isinama ang poomsae events na kung saan mala­kas ang Pilipinas.

Ang ibang pangalan na ipatatala ng PTA ay ibibigay ma­tapos rebisahin ang mga naunang kompetisyon na isinagawa na.

Hanap ng taekwondo de­legation na mahigitan ang pinakamataas na na­abot ng jins sa Asiad na pi­lak na medalya na naibigay nina Tshomlee Go at To­ni Rivero noong 2006 sa Do­ha, Qatar.

Show comments