Pinay netters kinapos sa Fed Cup
MANILA, Philippines - Kinapos ang mga pambato ng Pilipinas na sina Anna Clarice Patrimonio at Marian Jade Capadocia sa hangaring ipasok ang bansa sa Group I sa FedeÂration Cup nang lasapin ang 2-1 pagkatalo sa Hong Kong, China sa finals na ginawa noong Sabado sa National Tennis Centre, Astana, Kazakhstan.
Yumuko ang 20-anyos na si Patrimonio kay Eudice Chong, 6-4, 6-1, bago natalo ang 18-anyos na si Capadocia sa top player na katunggali na si 24-anyos Ling Zhang, 6-1, 6-4.
Naisalba naman ng PiÂnay netters ang laro sa doubles kontra kina Ho Ching Wu at Kwan Yau Ng sa 7-5, 6-3, panalo para hindi mabokya sa tagisan.
Ito na ang pinakamataas na pagtatapos ng Pilipinas mula nang nabalik sa Group II noong 2008 dahil hindi nakakaabot ng final round ang mga inilaban sa mga huling edisyon.
Umabot sa 13 bansa ang naglaban sa taong ito at ang Pilipinas ay na-grupo sa Pool B at tinalo ang Singapore at Sri Lanka sa 3-0 sweep para umabante sa Promotional Play-off.
Nakalaban nina Patrimonio at Capadocia ang Pool C champion TurkmeÂnistan at itinatak ng mga Pinays ang kanilang husay kina Jahana Bayramova, Anastasiya Prenko at Guljahan Kadyrova sa 3-0 tagumpay.
Ang Hong Kong, China na winalis ang Pool A gamit ang 3-0 panalo sa Malaysia at Vietnam, ay umani ng 2-1 panalo sa India sa semifinals para makaharap ang Nationals.
Sa pangyayari ay manaÂnatili sa Group II ang Pilipinas habang aangat ang Hong Kong, China sa Group I sa 2015.
- Latest