Karera para sa MPDPC itatakbo sa MetroTurf

MANILA, Philippines - Limang 3-year old na kabayo ang magsasalpukan ngayong gabi para sa 2014 Philracom Charity Special Race, 2nd Horse Racing Cup ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.

Ang mga magpapanagupa ay ang mga kaba-yong Mahiwaga, Birthday Gift, Boundary, Freaky at Satin Lace.

Suportado ng Philippine Racing Commission  (Philracom) ang nasabing karera matapos maglaan ng P180,000.00 premyo para sa mananalong kabayo.

Ang kikitain din ng karerang ito ay ibibigay sa MPD Press Corps.

Kasabay nito ay pararangalan din ng MPD Press Corps sina Philracom chairman Angel L. Castano Jr. at Dr. Norberto B. Quisum-bing Jr. ng Metro Turf dahil sa naiambag sa industriya ng karera.

 

Show comments