^

PSN Palaro

Parker, Dunkan ibinangon ang Spurs

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO--Naghatid ng 23 puntos at 17 rebound si Tim Duncan habang si Tony Parker ay may 18 puntos at 10 assists para tulungan ang Spurs na wakasan ang tatlong sunod na pagkatalo sa 95-93 panalo sa Sacramento Kings noong Sabado.

Matapos pahintulutan ang Kings na magdomina sa naunang tagpo ng laro, ang mga beteranong sina Duncan at Parker ang namuno sa malakas na pagtatapos ng Spurs upang putulin na ang pinakamahabang losing streak sa season.

Naglista pa ng 15 puntos si Patty Mills habang may 14 si Boris Diaw para sa Spurs.

Tumapos sina Isaiah Thomas at Rudy Gay bitbit ang 26 at 23 puntos para sa Kings na natalo sa ikapitong sunod na pagkakataon.

Sa Portland, Oregon, naisalpak ni Damian Lillard ang go-ahead free throw sa huling 11.8 segundo at ang Trail Blazers ay humirit ng 106-103 panalo sa Toronto Raptors.

Lumamang ng hanggang 19 puntos ang Blazers pero humabol ang Raptors at nakalamang pa sa 103-102 sa free throws ni DeMar DeRozan sa huling 25 segundo ng labanan.

May 27 puntos at 15 rebound si Aldridge para sa Portland habang si DeRozan ay gumawa ng 36 puntos at 12 rebounds para sa Raptors.

Anim lamang sa kabuuang ginawa ni DeRozan ang hindi naipasok sa second half para makapanakot ang bisitang koponan.

Sa Los Angeles, gumawa ng 27 puntos mula sa bench si Jamal Crawford habang si Blake Griffin ay nagtala ng 25 puntos at 11 rebounds at ang Clippers ay lumayo sa ikatlong yugto para sa 102-87 panalo sa Utah Jazz.

Ito ang  ika-19 na  panalo sa 26 laro na wala sa Clippers si All-Star point guard Chris Paul at lumamang sila ng 31/2 sa Phoenix sa karera para sa Pacific Division title.

 

BLAKE GRIFFIN

BORIS DIAW

CHRIS PAUL

DAMIAN LILLARD

ISAIAH THOMAS

JAMAL CRAWFORD

PACIFIC DIVISION

PARA

PATTY MILLS

PUNTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
15 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with