Para sa NCAA Volley titles Isa na lang sa Perpetual teams
Laro sa Lunes
(The Arena, San Juan City)
11:30 a.m. Arellano
vs Perpetual (W)
1:30 p.m. Perpetual
vs EAC (M)
MANILA, Philippines - Bumalik ang tikas ng paglalaro ng Perpetual Help sa fifth set para hawaÂkan ang 1-0 kalamaÂngan sa Arellano, 27-29, 25-13, 25-16, 21-25, 15-9, sa pagbubukas kahapon ng NCAA women’s volleyball finals sa The Arena sa San Juan City.
May 26 kills tungo sa 27 puntos si Honey Royse Tubino habang nagsanib sina Jamela Suyat at Norie Jane Diaz sa 27 puntos upang lumapit sa isang laro para ibulsa ang ikatlong sunod na titulo sa liga.
Mula sa 5-5 deadlock, umarangkada ang Lady Altas sa 8-1 para kunin ang 13-6 kalamangan sa fifth set.
Napanalunan ng Lady Chiefs ang sumunod na tatlong puntos pero nagtala ng magkasunod na errors sina Nikka Clarino at Nikki Oserio upang makauna ang Perpetual sa best-of-three series.
Ibinandera ang Lady Chiefs na nasa finals sa unang pagkakataon ni Cristine Joy Rosario sa kanÂyang 13 puntos.
May 12 kills pa sa Diaz para ibigay sa Lady Altas ang 54-37 kalamangan sa spike department.
Doble ang selebrasyon na nangyari sa Perpetual Help dahil nakauna rin ang Altas sa Emilio Aguinaldo College, 25-18, 25-21, 25-23, straight sets panalo sa men’s finals.
Tig-12 puntos sina Jay Rojo dela Cruz at Edmar Sanchez para sa Altas na nabiyayaan din ng 29 puntos mula sa errors ng Generals para isulong ang winning streak sa 46-0. (AT)
- Latest