^

PSN Palaro

Kampeon sa Derby City Classic One Pocket division Mahika ni Reyes gumana na rin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pitong  taon ang hinintay ni Efren “Bata” Reyes para muling makatikim ng panalo sa Derby City Classic One Pocket Division.

Ipinamalas ng 59-anyos na si Reyes na taglay pa rin niya ang husay sa pagla­laro ng bilyar nang talunin si Shannon Daulton ng USA, 3-1, sa finals sa 16th annual Derby City Classic sa Horseshoe Southern Indiana Elizabeth, Indiana, USA.

Matapos ang 11 rounds, si Reyes na lamang ang walang talo sa limang nag­lalaban-laban para magkaroon ng buy-back option.

Sinuwerte si Daulton na mag-bye sa semis at naiwan si Reyes para harapin ang kababayan na si Dennis Orcollo habang ang isa pang Pinoy na si Francisco Bustamante ay kalaban ni Scott Frost ng USA.

Nanapatili ni Reyes ang winning streak sa 3-2 panalo kay Orcollo, ang 9-Ball Banks champion, habang si Bustamante ay natalo kay Frost, 3-1.

Nag-redraw  ang tatlong palabang manlalaro at kay Reyes kumapit ang suwerte matapos mag-bye at umabante na sa Finals.

Sa labanan ng dalawang American players ay si Daulton ang nanalo para umabante sa finals laban kay Reyes na may twice-to-beat advantage.

Ngunit hindi na kinaila­ngan ni Reyes na gamitin ang buy-back option nang manaig sa unang labanan.

Ito ang ika-anim na DCC One Pocket title ni Re­yes pero huli niyang na­panalunan ito noon pang 2007, ang taon na kinilala rin siya bilang Master of the Table champion.

Halagang $12,000.00 ang naibulsa ng tinaguriang ‘The Magician’ sa bilyar habang $6,000.00 ang binitbit ni Daulton.

Si Frost ay may $3,355.00 habang sina Bus­tamante at Orcollo ay nagbitbit ng tig-$2,200.00 premyo. (AT)

vuukle comment

BALL BANKS

DAULTON

DENNIS ORCOLLO

DERBY CITY CLASSIC

DERBY CITY CLASSIC ONE POCKET DIVISION

FRANCISCO BUSTAMANTE

HORSESHOE SOUTHERN INDIANA ELIZABETH

MASTER OF THE TABLE

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with