^

PSN Palaro

Tax exemption ng mga atleta nais palawigin ng 8 kongresista

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mas malawak na tax exemption para sa mga makukuhang premyo ng Pilipinong atleta sa international events ang isinusulong sa kamara ng walong kongresista.

Sinabi ni Buhay partlist Rep. Jose Atienza na mas magagamit ng mga atleta ang kanilang mga napanalunan kapag tuluyang naging batas ang panukala.

Kasamang nagsusulong ng House bill 3506, o ang "Tax Incentives for Professional Athletes Act of 2013” sina Reps. Ferdinand Martin Romualdez, Aleta Suarez, Lani Mercado-Revilla, Jonathan dela Cruz, Victor Ortega, Philip Pichay at Diosdado Macapagal Arroyo.

Naniniwala si Atienza na dapat ay palawigin ang tax exemptions ng mga atletang nagdadala ng karangalan sa ating bansa.

Tinukoy ng dating aklade ng lungsod ng Maynila ang kaso ng eight-division champion Manny Pacquiao matapos habulin ang boksingero ng Bureau of Internal Revenue dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng tamang buwis.

"The declared State policy apropos the vital role of sports in nation-building was initially given impetus by the passage earlier of Republic Act 9064 as well as Sec. 32 B 7 of RA 8424, which however, limited the incentives given therein to amateur athletes,” pahayag ni Atienza.

"In this day and age, even the International Olympic Committee has found good reason to allow participation of professional athletes in events formerly limited to amateurs. Thus, the need to distinguish amateurs from professionals is no longer in vogue," dagdag niya.

Iginiit ni Atienza ang kahalagahan ng mga atleta sa ating bansa.

"The participation of these sports personalities in nation-building are of equal import and significance."

Nakabinbin sa opisina ngayon ni House Committee on Ways and Means chaired by Rep. Marikina Rep. Miro Quimbo, ang House Bill 3506.

Layunin din ng panukala na isama sa tax exemption ang mga napanalunan ng atleta 10 taon bago pa man maipatupad ang mungkahi.

ALETA SUAREZ

ATIENZA

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DIOSDADO MACAPAGAL ARROYO

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

HOUSE BILL

HOUSE COMMITTEE

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

JOSE ATIENZA

LANI MERCADO-REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with