So tumabla sa Indian GM

MANILA, Philippines - Nakuntento sa draw si Filipino Grandmaster Wesley So laban kay Indian Pentala Harikrishna matapos ang 31 moves ng Berlin Variation ng Ruy Lopez para makasalo sa fourth spot katabla ang dalawa pang players sa 10th round ng 2014 Tata Chess Steel Masters sa Netherlands.

Ilang araw matapos gimbalin si Dutch Loek Van Wely, pinilit ng 20-anyos na si So na makasingit ng pa­nalo kontra kay Harikrishna.

Ngunit ito ay nauwi lamang sa draw na nagbigay sa kanya ng 5.5 points at makatabla sina No. 4 Fabiano Caurana ng Italy at Leinier Dominguez Perez ng Cuba.

Tuluyan nang inangkin ni top seed at world No. 2 Levon Aronian ng Armenia ang korona matapos ta­lunin si Dominguez sa bisa ng kanyang 8.0 points.

May dalawang puntos na agwat sa kanya sina Dutch Anish Giri at Russian Sergey Karjakin na parehong may 6.0 points

 

Show comments