MELBOURNE-- Nakitaan ng ibang kumpiyansa si Roger Federer sa kanyang unang limang laro sa Australian Open.
Ngunit ang bagay na ito ay naglaho nang nakaÂtapat ang karibal na si Rafael Nadal na itinatak ang marka para lumawig ang pagpanalo laban sa dating number one player na si Federer.
Sa first set lamang naÂging mainit ang labanan bago bumigay si Federer tungo sa 7-6 (4), 6-3, 6-3, pagkatalo kay Nadal sa semis ng men’s singles.
Halos pitong taon na hindi nananalo si Federer kay Nadal sa major dahil ang huling panalo niya ay nangyari noong 2007 sa Wimbledon.
Naiangat din ni Nadal ang head-to-head nila sa 23-10 at may 9-2 baraha sa Grand Slams.
Nakadagdag inis pa kay Federer ang sa pakiramdam niya ay ang pagpabor ng chair umpire kay Nadal matapos magkaroon lamang ng dalawang peÂnalties mula sa pinahabang break matapos ang bawat puntos.
“I’m not complaining about so many things,†wika ni Federer. “I just think it’s important to enforce the rules on many levels, whatever it may be. On all the players the same way. Don’t give me or (Novak) Djokovic a free pass just because of who we are. I think we should all be judged the same way.â€
Namaalam na sa kompetisyon si Federer pero naniniwala siya na makakabawi siya sa mga susunod pang kompetisyong sasalihan.