Saints lumapit sa finals

MANILA, Philippines - Pinayukod ng St. Clare College Saints ang Philippine School of Business Administration Jaguars, 91-74, para kunin ang kanilang ika-11 sunod na panalo sa 21st National Capital Region Athletic Association (NCRAA) men’s basketball tournament kahapon sa Rizal Technological Uni­versity gymnasium sa Mandaluyong.

Lumapit ang Saints sa pagsikwat sa isang automa­tic finals berth at magkakaroon ng pagkakataon na kumpletuhin ang isang 12-game sweep sa elimination round sa pagsagupa nila sa La Salle-Dasmariñas sa Martes sa RTU gymnasium.

Umiskor si Jayson Ibay ng 23 points para sa St. Clare at nakakuha ng suporta mula kina Gil Marte, Eric  Acuna at Darwin Lunor sa second half.

Nakalapit ang Jaguars sa 36-41 kasunod ang magkasunod na basket ni Ibay para muling ilayo ang Saints sa huling 47.2 segundo sa first half.

Ang depensa at agaw nina Acuna at point guard John Acebron ang nagsindi sa isang 11-2 atake ng St. Clare sa pagsisimula ng third period patungo sa kanilang 76-59 bentahe sa huling 5:11 minuto.

Samantala, tumipa si Jeoffrey Acain ng 23 points para sa 73-68 panalo ng Patriots laban sa Emilio Aguinaldo College-Cavite Vanguards.

Show comments