^

PSN Palaro

7th Jr. NBA program dinagsa ng mga coaches

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang record-breaking na bilang ng mga coaches ang lumahok sa unang Coaches Clinic ng Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines 2014 na inihahandog ng Alaska sa British School noong Enero 18, 2014.

Kabuuang 295 coa­ches mula sa 136 paaralan sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon Province, Mindoro, Bicol Region, Palawan, Davao, Zamboanga at La­nao del Sur ang su­mali sa naturang clinic na pinamahalaan ng mga NBA coaches na sina Sefu Bernard at Chris Sumner at tinulungan ni PBA Legend Jojo Lastimosa.

Ipinakilala nina Bernard at Sumner ang mga bagong drills at plays sa mga partisipante at ipina-alala ang kalahagahan ng  S.T.A.R. values ng Jr. NBA/Jr. WNBA program na ang ibig sabihin ay Sportsmanship, Teamwork, a positive Attitude and Respect.

“Great Coaches Cli­nic. We learned a lot and really paid attention to Coaches Sefu and Chris. Great workout and skills enhancement for the kids. It’s by far the best Coaches Clinic I’ve ever attended,” ani Ramon Anciro, isang coach mula sa Quezon City at Cabuyao Laguna.

Samantala, 194 pla­yers --ang 122 ay lalaki at 28 ay babae mula sa 73 paaralan--ang lumahok sa School Clinic na idinaos noong Enero 19.

Ito ang pang-pitong sunod na Jr. NBA program para sa mga batang lala­king may edad 10 hanggang 14-anyos.

vuukle comment

ATTITUDE AND RESPECT

BICOL REGION

BRITISH SCHOOL

CABUYAO LAGUNA

CHRIS SUMNER

COACHES CLINIC

COACHES CLINIC I

COACHES SEFU AND CHRIS

ENERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with