Namayapang sports personalities gagawaran ng posthumous award
MANILA, Philippines - Bibigyan ng posthumous award ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang mga nama-yapang sports personalities at mga kaibigan sa Annual Awards Night bukas sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Sa taon kung saan ilang opisyales, atleta, kaibigan at iba pang prominenteng personalidad ang pumanaw, ibibigay ng pinakamatandang media organization sa bansa ang isang posthumous award at isang minutong pagdarasal sa event na inihaÂhandog ng MILO akasama ang Air21 bilang major sponsor.
Isa si two-time International Basketball Federation (FIBA) president Gonzalo ‘Lito’ Puyat sa mga sumaÂkabilang buhay noong 2013 kasama sina Nestor Ilagan ng dragon boat, dating PhiÂlippine Olympic Committee president Julian Malonzo, International Master Rodolfo Tan Cardoso, seven-time PBA Best Import awardee Bobby Parks Sr., two-time Tour of Luzon champion Atty. Cornelio Padilla Jr., Asian Games gold medal winner Pedro Subido at Asiad medalist Patricia YngaÂyo.
Ilang presidente rin ng National Sports Associations ang pumanaw noong nakaraang taon.
Ang mga ito ay sina Hector Navasero ng baseball, Ernesto ‘Toti’ Lopa ng bowling, Jose Marie Martinez ng football, Sim Chi Tat ng canoe/kayak, Leandro Mendoza at Rod Feliciano ng golf at Sultan Kiram III ng pencak silat.
Pumanaw din ang ilang miyembro ng sportswriÂting fraternity kagaya nina editors Manolo Iñigo at Enrique ‘king’ Gonzales, mga naging presidente ng PSA, Ninoy Sofranes, Jimmy PeÂrez at boxing analyst at radio sports announcer Edwin Sese.
Ang iba pang nasa posthumous list ay sina dating PBA chairman NaÂzario Avendano, one-time national coach Dong Vergeire, boxing promoter at analyst Ramon ‘Moy’ Lainez, top lady badminton player Karyn Cecilia Perez at MILO Best Baguio chapter organizer at dating Basketball Association of the Philippines personnel Antonio ‘Tonette’ Del Monte.
Sina veteran broadcaster at sports columnist Quinito Henson at Patricia Bermudez-Hizon ang magiging hosts ng okasyon na magsisimula sa ganap na alas-7:30 ng gabi.
- Latest