Radwanska ‘di umubra kay Cibulkova, pasok sa finals

MELBOURNE--Sinisisi ni Agnieszka Radwanska ang mahirap na iskedul sa Australian Open na siyang dahilan kung bakit natalo kay Dominika Cibulkova, 6-1, 6-2, sa semifinals noong Huwebes.

Tinawag pa ni Radwanska ang sarili bilang “half-mummy” dahil bumagal ang kanyang pagkilos dahil hindi pa nakakabawi sa pagod matapos ang three-setter panalo sa nagdedepensang kampeon na si Victoria Azarenka sa quarterfinals noong isang araw.

“I felt like I was in slow motion today. I had a couple of tough matches, especially yesterday,” wika ni Radwanska.

“When I played a very tough match, very high level yesterday, playing the next day is always tough,” dagdag nito.

Hindi dapat ikagulat na ubos na ang enerhiya ng Po­lish na si Radwanska dahil umabot din sa three sets ang kanyang laro kontra kina Yulia Putintseva at Anastasia Pavlyuchenkova sa kaagahan ng kompetisyon.

Mahirap ang iskedul ng laro ni Radwanska dahil nasa bottom half siya sa women’s draw at nangahulugan ito na magkasunod ang kanyang laro sa quarterfinals at semifinals.

Ito ang ikalawang Grandslam event na nasibak si Radwanska sa semifinals dahil natalo rin siya kay Sabine Lisicki sa Wimbleton noong 2013.

Show comments