Laro sa Sabado
(Mall of Asia Arena,
Pasay City)
2 p.m. UE vs FEU (W)
4 p.m. La Salle
vs Adamson (W)
MANILA, Philippines - Muling nanalasa sina Dindin at Jaja Santiago sa dating pinaglaruang koponan para bigyan ang National University ng 25-16, 25-20, 25-23, straight sets panalo sa UST sa 76th UAAP women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Ito ang ika-anim na sunod na panalo ng Lady Bulldogs para dumikit uli sa kalahating laro sa La Salle Lady Archers tangan ang 8-1 baraha.
Si Dindin ang bumandera sa NU sa kanyang 16 hits na kinatampukan ng 14 kills habang si Jaja ay may 12 puntos, kasama ang limang blocks.
May siyam na kills at dalawang blocks pa si Carmin Aganon na tumapos taglay pa ang 12 puntos at ang naglalakihang manla-laro ng NU ay nagdomina nang husto sa mga katapat sa Lady Tigresses na sina Pam Lastimosa at CarmeÂla Tunay.
Si Lastimosa at Tunay ay hindi umabot sa doble-pigura at nagsanib sa 17 puntos upang ibigay kay Jem Gutierrez ang paÂnguÂnguna sa koponan bitbit ang 10 hits.
Bumaba ang UST sa 3-6 karta para bumaba pa sa paghahabol para sa mahalagang ikaapat na puwesto na hawak ngayon ng FEU at Adamson sa 4-4 baraha.
Mainit ang ipinakitang laro nina Alyssa Valdez at Amy Ahomiro para tapusin ng Ateneo ang dalawang dikit na kabiguan sa kamay ng La Salle sa 25-15, 25-14, 26-24, pananaig sa UP sa unang laro.
Sa third set lamang naÂpahirapan ang Lady Eagles matapos hawakan ng Lady Maroons ang set point, 24-23.
Pero hindi pinahintulutan nina Valdez at Ahomiro na makatikim ng set win ang kalaban nang magtulong para sa malakas na pagtatapos ng Ateneo.
Si Valdez ay may 14 kills at dalawang blocks tungo sa 19 puntos habang si Ahomiro ay may walong kills, apat na service ace at dalawang blocks tungo sa 14 puntos para ibigay sa Ateneo ang 6-3 karta. (AT)