NU Spikers pakay ang 6-dikit vs UST Belles
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
8:30 a.m. UST vs FEU (M)
10 a.m. Ateneo
vs La Salle (M)
2 p.m. Ateneo vs UP (W)
4 p.m. NU vs UST (W)
MANILA, Philippines - Itataya ng National University ang kanilang limang sunod na panalo sa determinadong UST habang ang Ateneo ay magbabaÂlak na wakasan ang dalawang dikit na pagkatalo sa pagpapatuloy ng 76th UAAP women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Unang sasalang ang Lady Eagles laban sa UP sa ganap na alas-2 ng hapon at pipilitin ng una na maibaon sa limot ang dalawang dikit na pagkatalo sa kamay ng karibal na La Salle na naganap sa pagtatapos ng first round at pagbubukas ng second round elimination.
May 5-3 baraha ang AteÂneo at kung maulit nila ang pananaig sa Lady Maroons sa first set ay patuloy silang palaban para sa maÂÂhalagang pangalawang puwesto na magkakaroon ng twice-to-beat advantage sa semifinals.
Hawak ng Lady Bulldogs ang nasabing puwesto at pagsisikapan nilang kaÂpitan pa ito sa pagsungkit sa ikawalong panalo matapos ang siyam na laro.
Nangibabaw ang NU sa UST sa unang pagtuÂtuos ngunit asahan na gaÂgawin ng Lady Tigresses ang lahat ng makakaya para makabawi at buhayin pa ang paghahabol sa puÂwesto sa Final Four.
Nanalo ang UST sa UE sa huling laro para taÂpuÂsin ang apat na sunod na pagkatalo at iangat ang baraha sa 3-5.
Ang height advantage na taglay ng Lady Bulldogs sa pamumuno ng magkapatid na sina Dindin at Jaja Santiago, ang isa sa lulunasan ng UST.
Mahalaga rin sa laro ang ipakikita nina Pam Lastimosa at Carmela Tunay at setter Alex Cabanos na siyang inaasahang bibigyan ng playing time matapos matapilok si Loren Lantin sa kanilang huling laro. (ATan)
- Latest