MANILA, Philippines - Hindi malayong yumabong ang lebel ng basketball sa mga kababaihan matapos isama na sa Jr. NBA ang mga batang babae sa kanilang programa.
Pormal na inilunsad ang 2014 Jr. NBA kahapon sa British School sa Taguig City at kasama sa binigyan ng buhay ay ang Jr. WNBA.
Ito ang ika-pitong taon ng programa sa bansa at malaki ang naitulong nito para lalong maging poÂÂÂÂpular ang basketball sa kaÂbataang Pinoy.
Naniniwala si NBA Country Manager Carlo Singson na maganda rin ang magiging epekto nito sa girls basketball players na unti-unti na ring dumaÂrami ang bilang na nagkakainteres sa sport na ito.
Patuloy din ang pagtulong ng Alaska dahil sila pa rin ang major presentor ng programa.
“This year, both girl and boy players will get the opportunity to participate in school clinics and selection camps in venues across the country. We look; forward to our largest and most successful program yet,†tugon ni Wilfred Uytengsu, ang President at CEO ng Alaska Milk Corporation.
Isang coaching clinic ang nagbukas sa Jr. NBA/WNBA na magtatapos ngayon bago dumayo sa mga siyudad ng Cebu, Puerto Princesa, Surigao, Iloilo at Dagupan City.
Matapos nito ay gagawin na ang Regional Selection Camps sa Marso at Abril na kung saan may 50 batang lalaki at 24 kababaihan ang kukunin para sa National Training Camp na itinakda sa Manila mula Abril 25 hanggang 27.
Matapos ang Camp ay pipili ang mga namamahala sa pangunguna ni Camp Director Sefu Bernard ng 10 lalaki at apat na babae para dalhin sa US upang makapanood ng NBA game.