Villegas High School, Tondo High mag-aagawan sa titulo

MANILA, Philippines - Matatapos ngayon ang Ritemed Basketball tournament sa pagkikita sa one-game finals ng Villegas High School at Tondo High sa Barangay 76 basketball court sa Moriones Street sa Tondo.

Ang laro ay itinakda sa ganap na alas-3 ng hapon at mauunang magtuos ang Gregorio Perfecto High at Espiritu Santo High sa ganap na ala-1 ng hapon para sa ikatlong puwesto.

Ang torneo na itinataguyod ng Ritemed at suportado rin ng Manila Sports Council (MASCO) sa pangunguna ni dating PBA star Philip Cesar.

“Napakagandang proyekto itong naisip ng Ritemed para mabigyan ng pagkakataon ang mga manlalarong galing sa public high school sa buong Maynila,” wika ni  Cesar.

Umabot sa  walong koponan at nasa 120 ang man­lalaro ang sumali sa palaro na ginagawa lamang tuwing Sabado.

Si Cesar ay dadalo sa awarding ceremony at ma­ka­kasama si Edwin Nicolas na territory manager ng Ritemed.

“We thought of coming up with this project precisely to offer the avenue for players outside of the big leagues NCAA and UAAP to show their basketball knowhow,” wika ni Nicolas.

 

Show comments