^

PSN Palaro

Pinoy boxers tinulungan ng Thai promoter

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binigyan ni international Thai promoter Naris Singwangcha ng tig-US$500 ang 35 boksingero sa Ka­bisa­yaan na naapektuhan ng super typhoon Yolanda.

Ginawa ito sa isang pa-boxing sa Mandaluyong at pinatotohanan ni Singwangcha ang naunang pangako na maglalabas ng sariling pera para tulu­ngang bumangon ang mga boksingerong naapektuhan ng bagyo noong Nobyembre.

“I come to the Philippines very often because the Philippines is my se­cond home. I give help to the Filipino boxers and I don’t expect anything in return,” wika ni Singwangcha.

Sa naunang pa-boxing ni promoter Brigo Sandig noong Disyembre unang inihayag ni Singwangcha ang pagtatag ng Singwangcha Foundation para sa nasabing pagtulong.

Ang Games and Amu­sement Board ang siyang tumulong sa pagkumpirma na ang mga binigyang bok­singero ay tunay na naapektuhan ni Yolanda.

Kasama sa nabiya­yaan ay si IBF light flyweight champion Johnreil Casimero na ang bubungan ng bahay sa Ornoc ay tinangay ng malakas na hangin.

Nangako si Singwangcha na ipagpapatuloy ang pamamahagi ng tulong pinansyal kapag may mga nadagdag sa talaan.

“We don’t discriminate in providing help, whether you are a world champion or a young boxer. If you are from Leyte, you are a victim. Our help is for all who deserve it,” dagdag ng Thai promoter.

ANG GAMES AND AMU

BINIGYAN

BRIGO SANDIG

JOHNREIL CASIMERO

NARIS SINGWANGCHA

SHY

SINGWANGCHA

SINGWANGCHA FOUNDATION

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with