Clippers niresbakan naman ang Mavericks Heat nanlamig sa Wizards
WASHINGTON -- Nagposte ang Washington WiÂzards ng isang 34-point lead at hindi na nilingon pa ang two-time defending chamÂpions na Miami Heat, 114-97.
Ipinalasap ng Wizards ang ikatlong sunod na kabiguan ng Heat.
Pinahiya rin ng WaÂshingÂton ang debut game ni center Greg Oden para sa Miami matapos ang higit sa apat na taon na pagkawala sa NBA.
Sa loob ng 8 minuto at 24 segundo, nagsalpak si Oden ng dalawang dunks paÂra sa Heat.
Umiskor si John Wall ng 25 points, habang nagdagdag ng tig-19 sina Bradley Beal at Nene para pangunaÂhan ang Wizards.
Itinala ng Washington ang 20-0 atake sa first quarter kung saan nakagawa si LeBron James ng tatlo sa anim na turnovers ng MiaÂmi.
Kinuha ng Wizards ang 43-18 abante sa pagtatapos ng first quarter at 64-30 sa second quarter hanggang iwaÂnan ang Heat sa 69-48 sa third canto.
Tumipa si Chris Bosh ng 26 points kasunod ang 25 ni James para sa Miami.
Sa Los Angeles, bumaÂngon ang Clippers mula sa isang 17-point deficit sa huÂling 4:30 minuto ng laro paÂra sikwatin ang 129-127 paÂnalo laban sa Dallas Mavericks.
Tumipa si J.J. Redick ng career-high na 33 points, haÂbang nagdagdag si Matt Barnes ng 25 kasunod ang 23 ni Blake Griffin at 16 ni JaÂmal Crawford, kasama diÂto ang dalawang free throws na nagbigay sa Clippers ng bentahe sa huling 11 seÂgundo.
Sa San Antonio, naglista si Tony Parker ng 25 points at 9 assists para igiya ang Spurs sa 109-105 panalo laban sa Utah Jazz 109-105.
- Latest