Padilla SBC Sports Hall of Fame awardee

MANILA, Philippines - Nadagdagan ang parangal na nakukuha ni na­tional shooting champion Nathaniel “Tac” Padilla nang siya ay iluklok sa San Beda College Sports Hall of Fame.

Ito ang pinakamataas na karangalan na ibinigay ng SBC Alumni Association (SBCAA) sa isang kinikilalang Bedan alumni na nagsilbi at binigyan ng karangalan ang Philippine Sports.

“You have been cited 1) for your significant contribution to the development of sports in the Philippine society, and 2) for best epitomizing and exemplifying the Bedan qualities of work and prayer, thus serving as a role model to members of the Bedan community, and society in general,” wika  ni SBCAA president Joselito I. Hautea.

Tatanggapin ng 49-an­yos sportsman/businessman na si Padilla ang parangal sa tradisyonal Red and White Ball sa Pebrero 12, 2014 sa ganap na alas-6 ng gabi sa Meralco multi-purpose hall sa Ortigas, Pa­sig City.

Bilang pagkilala sa na­abot ni Padilla, ang kanyang larawan at iba pang parangal na nakuha niya  ay isasama sa mga naka-display sa bagong St. Placid  Sports Center.

Si Padilla ang natata­nging Pambansang atleta na kinatawan ang Pilipinas sa 17 SEA Games.

Siya rin ay 30-years national pistol champion at pinamunuan din ang National Youth Development Program (NYDP) sa Phi­lippine National Shooting Association (PNSA).

 

Show comments