MANILA, Philippines - Kung si chief trainer Freddie Roach ang papipiliin ay mas gusto niyang labanan ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao si world light welterweight titlist Ruslan Provodnikov.
Ito ay matapos ihayag ni Pacquiao na ang rematch kay Bradley ang gusto niyang maitakda sa kanyang pag-akyat sa boxing ring sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las VeÂgas, Nevada.
Sa pagitan nina Provodnikov at Bradley ay mas magiÂging kapana-panabik ang laban ng Russian kay Pacquiao kumpara sa American world welterweight ruler, ayon kay Roach.
“I want Manny to look good in his next fight, and I think maybe Tim Bradley wants too much money. Plus I think he will run all night and make for a poor showing for Manny,†ani Roach sa panayam ng BoxingScene.com.
Kamakalawa ay sinabi ng 35-anyos na si Pacquiao (55-5-6, 38 KOs) na gusto niyang resbakan ang 30-anyos na si Bradley (31-0-0, 12 KOs) na umagaw sa kanya ng World Boxing Organization (WBO) welterweight crown noÂong Hunyo 9, 2012.
Ngunit mas gusto ni Roach na labanan ni Pacquiao si Provodnikov (23-2-0, 16 KOs) na bagong WBO light welÂterweight king.
“Ruslan Provodnikov is a better fight for Manny. They are good friends though. I’m trying not to make it happen, but to be honest, it’s probably the best fight for Manny. I’ve seen them spar many times and it is competitive,†saÂbi ni Roach.
Si Provodnikov ang naging sparmate ni Pacquiao sa pagÂhahanda kay Bradley.