MANILA, Philippines - Maghihiwalay ng landas ang dalawang magkaÂkampi sa FIBA-Asia U-18 3x3 champion squad sa kaÂnilang paglalaro sa UAAP men’s basketball tourÂnament sa susunod na season.
Naging magkakampi siÂna Arvin Tolentino at Prince Rivero sa national team kasama sina Thirdy RaÂvena at Kobe Paras na suÂmabak sa FIBA-Asia U-18 3x3 championships sa Bangkok noong nakaraang taon.
Natalo ang mga high school stars sa Qatar, 17-14, bago kumamada ng anim na sunod na panalo, kaÂbilang ang tagumÂpay laban sa China, 22-18, sa seÂÂmifinals at kontra sa India, 21-19, sa finals para angkinin ang korona.
Ngayon ay maghihiwalay na sila.
Magtutungo si Tolentino sa Ateneo mula sa San BeÂda, habang iiwanan naman ni Rivero ang La Salle- Greenhills para maglaro sa De La Salle University.
Magkikita namang muli sina RaÂvena at Tolentino sa Ateneo.
Si Paras, may isang taÂon pa sa kanyang UAAP juÂnior eligibility, ay inalok ng athletic scholarship sa Cathedral High School sa Los Angeles.
Kung babalik sa bansa si Paras ay gusto ng kanyang amang si Benjie na magÂlaro siya para sa Green Archers sa UAAP seÂniors.
Pinamunuan ng 6-foot-5 na si Tolentino ang San BeÂda Red Cubs sa NCAA junior championships at nakalaban ng 6’4 na si Rivero.
Nabigo si Rivero, ang ama ay ang strength and conÂÂditioning coach ng BaÂÂrako Bull sa PBA, na akaÂÂyin ang Greenies sa kampeoÂnato ng NCAA juniors.