^

PSN Palaro

Tinukoy ang problema sa buwis: Mayweather muling inalaska si Pacquiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bago isipin ng kampo ni Manny Pacquiao kung pa­ano mapaplantsa ang kanilang super fight ni Floyd May­weather, Jr. ay dapat munang asikasuhin ng Filipino boxing superstar ang kanyang problema sa buwis.

Ito ang pinakabagong patutsada ng 36-anyos na si Mayweather sa 35-anyos na si Pacquiao sa isang pa­nayam sa FightHype.com

“He don’t need to be focused on Floyd Mayweather. He needs to be focused on that tax business,” ani May­weather.

Bago ang Araw ng Pasko ay dalawang beses inasar ni Mayweather si Pacquiao sa kanyang mga accounts sa Facebook, Twitter at Instagram.

Muling inalaska ni Mayweather si Pacquiao kaugnay sa kinakaharap nitong tax problems sa Internal Revenue Service (IRS) sa US at sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Pilipinas.

Ayon kay Mayweather, gusto lamang siyang labanan ni Pacquiao para magkaroon ng pambayad sa buwis.

“This guy’s got all these problems, and he wants Floyd Mayweather to solve them for him, huh?” sabi ni May­weather sa Sarangani Congressman. “He’s got 68 million problems and he wants me to solve them.”

Tatlong beses nabasura ang negosasyon para sa mega showdown nina Pacquiao at Mayweather mula sa isyu sa hatian sa premyo hanggang sa pagsailalim sa isang Olympic-style drug at blood testing.

“First he didn’t need me, now he needs. Me. He’s willing to do anything now after his career done took a ma­jor setback. First he wanted 50/50, now he’s like, ‘Floyd, give me anything. Throw an old, desperate dog a bone,’” ani Mayweather.

Sa kabila nito, nasa listahan pa rin ni Pacquiao (55-5-6, 38 KOs) para sa posible niyang makalaban ang pa­ngalan ni Mayweather (45-0-0, 26 KOs).

Matapos matalo kina World Boxing Organization (WBO) welterweight king Timothy Bradley, Jr. (31-0-0, 12 KOs) via split decision at mapatumba ni Juan Manuel Mar­quez (55-7-1, 40 KOs) sa sixth round noong 2012 ay umiskor ng unanimous decision win si Pacquiao kontra kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa kanilang non-title, welter­weight fight noong Nobyembre 24 sa Macau, China.

Inihayag ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na mu­ling lalaban si Pacquiao sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Isa rin sa mga ikinukunsidera ay si WBO light welter­weight ruler Ruslan Provodnikov (23-2-0, 16 KOs) ng Rus­sia na na­ging sparmate ni Pacquiao sa paghahanda kay Bradley noong 2012.

BAM BAM

BOB ARUM

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

FLOYD MAY

FLOYD MAYWEATHER

INTERNAL REVENUE SERVICE

JUAN MANUEL MAR

MAYWEATHER

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with