Sa PBA D-League Waves, Razorbacks mag-uunahang bumangon

MANILA, Philippines - Buksan ang 2014 bitbit ang panalo ang nais gawin ng apat na koponan sa pagbabalik ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Arellano Gym.

Unang bakbakan ay sa pagitan ng National Uni­versity-Banco de Oro at Arellano University sa ganap na alas-2 ng hapon bago sumunod ang mahalagang salpukan ng Hog’s Breath Café at Boracay Rum dakong alas-4.

Asahan na magiging maaksyon ang tampok na laro dahil iinit ang inaasintang puwesto ng Razorbacks at Waves sa makukuhang panalo.

Pursigido ang bataan ni coach Caloy Garcia para bigyang-buhay ang nanlupaypay na kampanya bago natapos ang 2013.

Matapos ang pitong sunod na panalo ay bumagsak ang Razorbacks sa Jumbo Plastic at Café France para malagay ngayon sa ika-apat na puwesto.

Mahalaga ang malagay sa unang dalawang pu­westo dahil mabibiya­yaan ang mga koponan ng awtomatikong puwesto sa semifinals.

 

Show comments