MANILA, Philippines - Handa si GM Wesley So na harapin ang unang mabigat na hamon kung paglalaro ng chess ang pag-uusapan sa 2014.
Kasali ang 20-anyos na si So sa 76th Tata Steel Chess Championship na uusad mula Enero 10 hanggang 26 sa Wijk aan zee, Netherlands at siya ang inilagay bilang ninth seed sa kompetisyong lalahukan ng mahuhusay na chess players sa mundo.
Nakuha ni So ang see-ding matapos manalo ng limang torneo noong 2013.
“It will be another challenge for me,†wika ni So, na ibinigay din sa Pilipinas ang kauna-unahang gintong medalya sa UniverÂsiade noong Hulyo sa Kazan, Russia.
Hindi natalo si So sa mga nilaruan noong nakaraang taon matapos dominahin ang Reykjavik Open sa Iceland noong Pebrero, Calgary Classic sa Canada noong Mayo, Las Vegas Chess Festival sa US noong Hunyo at ang 17th Univie Crown sa NeÂtherÂlands noong Oktubre.
Nagsilbing coach din si So sa US team na nagÂlaro sa World Chess Team Championship sa Turkey noong Disyembre.
Sa kasalukuyan, si So ay No. 28 sa talaan ng FIDE bitbit ang ELO 2719 at inaasahang tataas pa ito matapos ang unang paglalaro sa Tata Steel