MANILA, Philippines - Makakasabayan ng pitong local teams ang pitong foreign squads, ang isa dito ay mula sa The Netherlands, para sa Ronda Pilipinas 2014 na pakakawalan sa Pebrero 1 tampok ang isang 14-stage, 16-day race na magsisimula sa Quezon City Memorial Circle.
Pangungunahan ng Global Cycling Team Holland, binubuo nina Botman Wim, Breewel Jeroen, Sanden V. D. Harm, Steeg V. D. Tijl, Janssen Jeroen at Wouters Marcel, ang anim pang foreign teams na lalahok sa event na nasa ikaapat na edisyon at itinataguyod ng LBC, MVP Sports Foundation, Maynilad, PLDT at Mitsubishi.
Mabigat na koponan din ang Malaysian national team nina Muhammad Rauf Nuk Misbah, Muhamad Fauzan Ahmad Lutfi, Mohd Nur Rizuan Zainal, Nir Mohd Azwan Zalkeflie, Suhardi Hassan at Ahmir Mustafa Rusli, kumuha ng silver at bronze medal sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar.
Hindi rin papahuli ang Japanese team na Matrix Powertag, ang Chinese-Taipei squad na Team Gusto kasama ang Uzbekistan national team, ang Ayandeh Continental Team ng Iran at ang CNN Cycling Team ng Thailand.
Inaasahan namang lalaban ng sabayan ang mga local teams na Philippine Army, Phl Navy Standard Insu rance, Team PLDT, Roadbike Phl, Team 7-Eleven, Team Cebu at Team Mindanao Cycleline Butuan.
Ito ang unang pagkakataon na may mga foreign teams na makikibahagi sa event na inilunsad noong 2011.
Makikipagsabayan din ang Team PLDT, kinabibilaÂngan ng national Under-23 team sa pamumuno ni SEA Games bronze medalists Ronald Oranza, at ang Navy Standard Insurance na igigiya ni Ronda Pilipinas 2013 winner Irish Valenzuela.