MANILA, Philippines - Lumutang ang galing ni Lee Van Corteza sa laÂrangan ng bilyar sa 2013 matapos malagay bilang number one na Filipino cue-artist kung premyong napanalunan ang pag-uusapan.
Tampok na panalo ay nakuha ni Corteza sa China Open at World Cup of Pool na nagpasok sa kanya ng $40,000.00 at $30,000.00, na nagbigay sa kanya ng kabuuang $111,525.00 (P4.7 milyon) premyo sa 14 torneo na sinalihan noong nagdaang taon para malagay din bilang number two sa listahan sa lahat ng pinagpipitaganang pool players sa mundo na sumabak sa aksyon.
Si Shane Van Boening ng USA ang siyang umangkin sa unang puwesto bitbit ang $153,400.00 habang ang tinalo ni Corteza ay ang kababayan na si Dennis Orcollo na may $106,770.00.
Apat na Pinoy pool players ang nasa top ten sa money list ng 2013 base sa talaan ng Azbiliards.com at si Francisco Bustamante ay nalagay sa pang-anim na puwesto sa $75,818.00 habang si Carlo Biado ang nasa ika-sampung puwesto sa $49,350.00.
Ito na ang pinakamalaÂking premyo na napanalunan ng tubong Davao City na si Corteza sapul nang pumasok sa sport noong 2002.
Kampeon din si Corteza, ang number two player sa mundo base sa World Pool Association rankings sa 2013, sa Southern Classic para mahagip ang $10,000.00 gantimpala habang pumangalawa rin siya sa US Open 9-ball tungo sa $15,000.00 premyo.
Si Orcollo, na nakaÂtambal ni Corteza sa pagdodomina sa World Cup of Pool para kunin din ang $30,000.00 gantimpala, ay may pitong panalo sa 2013, kasama ang 10-ball sa South East Asian Games sa Myanmar.
Bukod sa WCP, ang isa pang malaking torneo na dinomina ni Orcollo ay ang Derby City Classic 10-Ball Challenge para maibulsa pa ang $20,000.00 premyo.
Ito ang ikatlong sunod na taon na ang tubong Bislig, Surigao ay nanalo ng mahigit na $100,000.00 sa paglalaro ng pool.
Ito naman ang ikalawang sunod na taon na si Van Boening ang lumabas bilang pinakamahusay sa larangan ng bilyar matapos manalo ng 15 torneo kasama ang US Open 9-Ball at 8-Ball Championships upang hagipin ang $30,000.00 at $15,000.00 premyo na nakataya rito.
Sa hanay ng kababaihan, si Rubilen Amit ay nakalikom ng $27,300.00 gantimpala para malagay sa ika-25th puwesto.
Tampok na panalo ni Amit, ang SEAG 10-Ball champion, ay nakuha sa World Women’s 10-Ball Championship na nagÂpaÂsok ng $21,000.00 premÂyo para katampukan ang career earnings mula ng puÂmasok sa sport noong 2002.
Una sa kababaihan si Kelly Fisher ng Great Britain na kumabig ng $57,500.00 gantimpala.