MANILA, Philippines - Muling binalikan ng FIBA, sa pamamagitan ng kanilang website na www.fiba.com ang nakaraang 2013 FIBA zone championships at pinuri ang Pilipinas, Egypt, Mexico at Ukraine bilang mga “surprise packaÂges†para sa Spain party.
Bago lumabas ang men’s ranking ng FIBA ay nakaposisyon ang Mexico sa No. 32, habang ang Pilipinas ay No. 45, ang Ukraine ay No. 50 at ang Egypt ay No. 60.
Malaki ang iniakyat nila sa ranking matapos ang zonal competitions.
Ang huling pagkakataon na nakapaglaro ang isa man sa kanila sa world championship ay noong 1994 nang bumiyahe ang Egypt sa Toronto at tumapos na No. 14 mula sa kaÂbuuang 16 koponan.
Apat na dekada naman ang nakalipas bago muling makikita ang Pilipinas sa world meet bilang isang qualifier.
Noong 1978 lumahok ang dating Asian basketball champions sa naturang quadrennial event sa huling pagkakataon bilang host country.
Si Marei ay kasama sa All-Tournament selection sa AfroBasket kung saan naglaro ang Egypt sa gold-medal game.
Ang Pilipinas ang unang nanorpresa sa FIBA matapos angkinin ng Gilas Pilipinas team ang silver medal sa torneong inilaro sa Mall of Asia Arena.
Sinaksihan ng mga opisyales ng FIBA ang pagdiriwang ng bansa sa 86-79 panalo ng Gilas Pilipinas kontra sa Korea sa kanilang semifinal battle sa FIBA Asia Championship.
Sa kanilang pinakaimportanteng laro laban sa Korea, itinala ng Gilas Pilipinas ang 71-68 abante sa fourth quarter at inungusan ang Korea sa iskoran, 15-11, sa huling limang minuto patungo sa panalo.
Sina Marc Pingris at Jayson Williams ang nanguna sa koponan sa paggiba sa Koreans.
Dahil dito ay nakuha ng mga Filipinos ang tiket para sa World Cup kasama ang host Spain, Olympic champion USA at iba pang qualifiers na France, Lithuania, Croatia, Slovenia, Ukraine, Serbia, Angola, Egypt, SeÂnegal, Iran, Korea, Australia, New Zealand, Mexico, Puerto Rico, Argentina at Dominican Republic.
Ang mga dating kampeong Russia, Brazil at Bosnia and Herzegovina at ang Asian power na China ang mamumuno sa 15 koponan na nakaabot sa deadline sa pagsusumite ng aplikasyon para sa apat na world wild cards na kukumpleto sa 24-team draw.
Ang iba pang umaasa ay ang mga European teams na Finland, Germany, Greece, Israel, Italy, Poland at Turkey, African bet Nigeria at Asian squad Qatar.
Nakatakda ang World Cup draw sa Pebrero 3.