Unang laban sa UFC gagawin sa Singapore
MANILA, Philippines - Ang Singapore ang laÂlaÂbas na unang bansa sa South East Asia na pagdarausan ng Ultimate Fighting Championship (UFC).
Ito ay matapos magdeÂsisyon ang UFC na gawin ang Fight Night 34 sa Marina Bay Sands sa Singapore bukas.
Bago ito ay naunang ikinonsidera ang Pilipinas para dito sana buksan ang unang UFC event sa taon.
Nagkaroon ng pag-asa ang Pilipinas na makapag-host ng UFC nang dumaÂting sa bansa si UFC Asia chief Mark Fisher noong naÂkaraang taon.
Ang UFC ay patok sa Asian countries na Japan at South Korea habang umaani ng fan base na rin sa South East Asia.
Sampung laban ang matutunghayan sa UFC Fight Night 34 at ito ay katatampukan ng pagkikita nina Hyun Gyu Lim ng South Korea laban kay Tarec Saffiedine ng Finland.
Sa dalawang ito, si Hyun ay bumisita na sa banÂsa at naipakita ang angÂking husay nang nasama sa card na gawa ng Guam-based Pacific X-Treme Cagefighting, dalawang taon na ang nakalipas.
- Latest