MANILA, Philippines - Tumaas ng dalawang hakbang si Filipino Grandmaster Wesley So sa huling ipinalabas na FIDE rankings.
Mula sa dating kinalugaran na 30th puwesto sa munÂdo, si So ngayon ay nasa ika-28th puwesto matapos manalo sa limang malalaking torneo na sinalihan noÂong 2013.
Tampok na panalo ni So ay nangyari sa World UniÂversiade sa Kazan, Russia para sa kauna-unahang ginÂtong medalya ng Pilipinas sa nasabing torneo.
Hindi naman gumalaw ang ratings niya na nasa 2719 pa rin dahil hindi pa ibinilang ang 6-of-6 performance nito sa katatapos lang na 2013 Pan American Inter-Collegiate Championship sa Lubbock, Texas. Dahil sa naitalang marka ni So, ang Webster University ang siyang lumabas na kampeon at ang Pinoy GM ang kinilala rin billang best individual performer sa pinakamalakas na collegiate chess tournament sa America.
Malaki naman ang posibilidad na tumaas pa ang kanyang rankings sa paglahok sa 76th Tata Steel Chess Tournament sa Wijk aan Zee sa The Netherlands.
Ang kompetisyon ay itinakda mula Enero 10 hanggang 26 at makakalaro ni So ang 11 super GMs, kasama ang walo na kasalukuyan ay nasa Top 20 sa talaan.
Nangunguna na sa sasali ay si Armenian GM Levon Aronian, ang number two sa FIDE rankings at napanalunan ang titulo sa torneo ng tatlong beses, kasama ang 2012 at 2013 editions.
Si So ang lalabas na ikalawang pinakabata na kasali sa kompetisyon at ang nakadaig sa 20-anyos na manlaÂlaro ay si Dutch GM Anish Giri na walong buwang mas bata sa pambato ng bansa na chess scholar sa Webster University sa Canada at nasa pangangalaga ni dating women’s world champion Susan Polgar ng Hungary.