MANILA, Philippines - Kakaiba ang ipinakikita ng Ateneo kung sa UAAP women’s football ang pag-uusapan.
Matapos mangulelat sa mga nagdaang edisyon, ang Lady Eagles ngayon ang nasa itaas ng team standings bitbit ang limang puntos sa dalawang panalo at dalawang tabla baraha.
Tinapos ng Ateneo ang kampanya bago nagbaÂkasyon ang torneo dahil sa Kapaskuhan sa pamamaÂgitan ng 1-0 panalo sa Far Eastern University noong Disyembre 20 sa FEU-Diliman pitch.
Ang nasabing laro ay dapat ginawa noong NobÂyembre 27 pero bumuhos ang malakas na ulan at itinigil ang laro sa 56th miÂnute.
Ang Lady Tamaraws na dinomina ang tatlo sa huling anim na edisyon ng liga ay kasalo ng UST sa pangalawang puwesto tangan ang pitong puntos sa 2-1-1 panalo-tabla-talo baraha.
Pero mas mataas ang goal difference ng FEU (+5) sa UST (+1) para kunin ang number two seeding.
Ang La Salle ang nasa ika-apat na puwesto sa apat na puntos mula sa 1-1-2 habang ang UP ang nasa huling puwesto sa 0-1-3 record tungo sa isang puntos.
Hindi pa nakakatikim ng panalo ang Lady Maroons mula pa noong Season 74 at ang pinakamagandang laro na nakita sa season ay nang nakatabla sa FEU, 1-1.
Magbabalik ang aksyon sa Enero 12 sa Moro Lorenzo Field at magtutuos ang FEU at UP sa ganap na ika-1 ng hapon at UST at La Salle dakong alas-3 ng hapon.