^

PSN Palaro

3 NSAs na nabokya at dinayang atleta ininda ng Pinas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi malayong nalam­pasan ng Pilipinas ang gold medals na nakuha noong 2011 sa Indonesia sa 27th SEA Games sa Myanmar kung napanatili ng wrestling, equestrian at chess ang kani-kanilang  gintong napanalunan at hindi rin nadaya ang mga Pambansang atleta nang harapin ang pambato ng host country.

Tumapos ang inilabang Pambansang koponan bitbit ang 29 ginto, 34 pilak at 38 bronze medals at kapos ito ng pitong ginto sa 36 na hinakot ng Pilipinas sa Indonesia SEA Games.

Lumabas na 10 sa 22 sports na nanalo sa Indo­nesia ang naghatid ng gin­tong medalya sa Myanmar at apat sa mga ito ang umangat ang performance kumpara noong 2011.

Ang athletics ang lumabas bilang number one matapos ang anim na ginto mula sa dalawa lamang sa Indonesia habang ang judo at wushu ay may tig-tatlong ginto sa Myanmar at nagdagdag sila ng tig-isang gold mula sa dating napanalunan.

Napantayan naman ng taekwondo (4), cycling (2), men’s basketball (1), archery (1) at rowing ang naabot sa Indonesia.

Kung may umangat ay may nabawasan din at ang mga ito ay ang boxing at billiards. Ang dating apat na ginto ay naging tatlo sa boxing habang ang tatlong napanalunan noong 2011 ay naging dalawa sa bilyar ngayon taon.

Ang mga nakapanggulat sa kompetisyon ay ang golf, karatedo at muay na naghatid ng pinagsamang apat na ginto matapos mabokya sa Indonesia upang mabuo ang 29 ginto na hinakot sa taong ito.

Bunga nito ay naging krusyal na ipinakita ng wres­ling team na nagsanay  pa sa Iran bago ang SEAG pero hindi nakatulong dahil natalo sa finals sina Margarito Angana at Jason Ba­labal.

Ininda rin ng koponan ang ‘di paglalaro ni GM Wesley So, ang nanalo ng ginto sa Indonesia para walang maipagmalaki ang chess team habang hindi kinaya ng mga batang ri­ders na panatilihin ang ginto sa show jumping sa edisyong ito.

Biktima rin ang Pilipinas ng pandaraya at ang pinakamasakit ay nangyari kay swimmer Jasmine Alkhaldi na ginawaran na ng gintong medalya pero binawi bunga ng reklamo ng Thai swimmer.

Hindi rin nakaligtas sina judoka Nancy Quillotes, boxers Nesthy Petecio at Wilfredo Lopez at muay artist Philip Delarmino na pare-parehong lumasap ng kontrobersyal na pagkatalo laban sa mga Burmese fighters.

Kung nanatili ang siyam na nawalang ginto na ito nahigitan pa ng Pambansang koponan na bumilang lang ng 210-atleta ang 36 ginto noong 2011.

GINTO

JASMINE ALKHALDI

JASON BA

MARGARITO ANGANA

MYANMAR

NANCY QUILLOTES

NESTHY PETECIO

PAMBANSANG

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with