Bryant muling na-sideline matapos ma-injured

LOS ANGELES--Anim na linggo ang maaaring ipahinga ni Los Angeles Lakers’ superstar Kobe Bryant dahil sa kanyang injured left knee.

Sa isang MRI exam noong Huwebes ay nakitaan ng lamat ang lateral tibial plateau sa tuhod ni Bryant.

Unang nakita sa aksyon si Bryant ngayong season para sa Lakers noong Disyembre 8 matapos ang halos walong buwan na pagpapagaling sa kanyang torn Achilles tendon.

Muli siyang nasaktan noong Martes sa kanilang laban ng Memphis para sa kanyang pang-apat na laro.

“You hate it for Kobe,’’ sabi ni Lakers coach Mike D’Antoni. “He’s worked so hard to get back, but he’ll be back. He’ll be back in six weeks. We’ve just got to weather the storm until he gets back.’’

 Inihayag din ng Lakers na hindi makakapaglaro si guard Steve Nash ng apat na linggo dahil sa nerve root irritation.

Show comments