FEU Tams winalis ang 1st round

MANILA, Philippines - Hiniritan ng FEU ang La Salle ng 3-1 panalo upang makumpleto ang first round sweep sa 76th UAAP men’s football kaha­pon sa FEU Diliman pitch.

Si Jess Melizza ang siyang nagbigay ng unang goal matapos lamang ang unang anim na minuto ng sagupaan.

Si Chy Villasenor na ang umako sa sumunod na dalawang goals na nangyari sa 36th at 38th minuto.

Hindi naman hina­yaan ni Gelo Diamante na mabokya ang Archers nang ikasa ang natata­nging goal  sa 40th minuto.

Nakisalo rin sa mga nagpasikat ay ang Ateneo na sinilat ang women’s champion FEU, 1-0.

Ang larong ito ay da­pat na nangyari noong Nobyembre 27 pero di natapos dala ng pagbuhos ng malakas na ulan.

Show comments