MANILA, Philippines - Kinilala si Lourence Ilagan bilang kauna-unahang Filipino international darts champion nang talunin ang kababayang si Christian Perez ng Koronadal sa World Soft Tip 2013 grand finals sa Hong Kong noong Linggo.
Si Ilagan na tubong Taytay at kasapi ng Team One Phils, ay nanalo sa dalawa sa walong stages na ginawa sa isang taon.
Ang mga kasali ay kailangang lumahok sa hindi bababa na tatlong stages at may kaukulang puntos ang makukuha ng mga ito para masama sa top 100 at makapasok sa grand finals.
Sa Stage five sa Hong Kong at Stage six na Las Vegas, Nevada kuminang si Ilagan na nakasama rin si Perez na naglaro sa world darts championships sa London, England at Germany.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nasa finals si Perez ng Robson Sportscraft at hindi niya nahigitan ang second place na pagtatapos noong nakaraang taon.
Sina Ilagan at Perez ay sinamahan din nina RoÂnald Briones at Alain Abiabi sa torneo at ang naÂkuhang mga puntos nang pinagsama-sama ay sapat na para pangunahan ng Pilipinas ang all-nations point ranking event.
May 17 bansa ang suÂmali sa grand finals at tinalo ng Pilipinas ang Japan, US at United Kingdom.