Jumbo Plastic acid test ang Blackwater Sports

Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena,

Pasig City)

 12 p.m.  Wangs Basketball vs Big Chill

2 p.m.  Jumbo Plastic

vs Blackwater Sports

4p.m  Boracay Rum

 vs Zambales M-Builders

 

MANILA, Philippines - Walang halaga ang malakas na panimula kung hindi makakayang talunin ng Jumbo Plastic ang mga bigating koponan sa PBA D-League Aspirants Cup.

Kaya nananalig si Giants coach Stevenson Tiu na maitataas pa ng kanyang koponan ang lebel ng paglalaro sa pagbangga nila sa Blackwater Sports ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

“This game will determine whether my troops have what it takes to compete against a disciplined team like Blackwater,” wika ni Tiu na nanggugulat sa liga sa pagkakaroon ng 7-2 baraha upang makasalo sa ikatlong puwesto kasama ang pahingang Hog’s Breath Café.

Ikalawang laro ito sa triple-header na siya ring huling laro ng liga para sa taong 2013.

Bago ito ay magtutuos muna ang Wangs Basketball at Big Chill sa ganap na ika-12 ng tanghali habang ang huling laro dakong alas-4 ng hapon ay sa pagitan ng Boracay Rum at Zambales M-Builders.

Ika-10 panalo matapos ang 11 laro ang makukuha ng Superchargers kung padapain ang Couriers.

Ngunit asahan na magiging palaban ang koponang pag-aari ni Alex Wang matapos ang 71-68 come-from-behind panalo sa Arellano-Air21 noong Martes.

Sa 4-5 baraha, may laban pa ang Couriers sa anim na koponan na  magpapatuloy ng laban sa titulo pero dapat ay maglubid ito ng pagpapanalo upang makahabol sa mga nasa itaas na koponan.

May three-game winning streak ang Jumbo Plas­tic at ang huling ta­gumpay ay kinuha sa Derulo Accelero, 73-61.

Sa kabilang banda, ito ang unang laro ng Elite sa loob ng dalawang linggo dahil huling salang nila ay noon pang Disyembre 2 at natalo sila sa Cagayan Valley, 68-75.

Tapatan ang malala­king manlalaro ng Giants sa pangunguna ni Jason Ballesteros, ang isa sa da­pat gawin ng Elite para mapag-ibayo ang kasalukuyang 4-2 baraha.

Show comments