^

PSN Palaro

Juico nasiyahan sa performance ng tracksters

Pilipino Star Ngayon

NAY PYI TAW--Nagu­gulat si athle­tics team ma­nager Philip Ella Juico sa mainit na ipi­­nakikita ng pambansang manlalaro sa 27th SEA Games sa Wunna Theikdi Sports Complex.

“This is already way beyond my expectations,” wika ni Juico, ang dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at siyang inaasahan na papalit kay Go Teng Kok bilang pangulo ng PATAFA sa Enero.

Apat na ginto na ang naipagkaloob ng track and field delegation at si Christopher Ulboc Jr. ang huling kuminang sa men’s 3000m steeplechase na ginawa kahapon.

Naorasan ang dating FEU runner ng  siyam na minuto at isang segundo upang manaig sa hamon ng isang Thai at Vietna­mese runner.

Ang 5-time SEAG champion na si Rene Herrera ay pumang-apat na lamang sa 9:09 tiyempo.

Naunang nanalo ay sina Henry Dagmil, Archand Christian Bagsit at Fil-Am Eric Cray sa men’s long jump, 400m run at 400m hurdles.

“I am very happy with their performance. They are showing that they have the heart and the ability to compete with our neighbors,” dagdag ni Juico na vice-chairman ng PATAFA sa kasalukuyan.

ARCHAND CHRISTIAN BAGSIT

CHRISTOPHER ULBOC JR.

FIL-AM ERIC CRAY

GO TENG KOK

HENRY DAGMIL

JUICO

PHILIP ELLA JUICO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RENE HERRERA

WUNNA THEIKDI SPORTS COMPLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with